Illegal drugs: tiningnang motibo sa pamamaril-patay sa Gensan

by RPN News
0 comment
Illegal drugs: tiningnang motibo sa pamamaril-patay sa Gensan

May kaugnayan sa iligal na droga,ito ngayon ang sinunsundang motibo sa mga serye ng pamamaril patay sa lungsod ng General Santos City, ito ang inihayag ni Police Senior Superintendent Raul Supiter, Police Director ng City Police Office (GSCPO). Lumalabas kasi sa kanilang paunang imbestigasyon na mayroon umanong kaugnayan sa ipinagbabawal na droga ang motibo sa pagpatay kay Jerome Baguio sa Diversion Road Barangay Mabuhay.

Kasali na rito ang dalawa pang biktima na kinilala na sina Faith Irish Dela Torre at Jimmy Caylan na parehong itinumba ng isang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Barangay Lagao nitong lungsod. Una na rin lumalabas sa imbestigasyon at base na rin sa mga text message sa cellphone na nasa kamay ngayon awtoridad ng San Isidro Police Station kung saan inaalam na ng presinto kung sino ang katransaksyon ni Baguio na maaaring may kaugnayan sa iligal na droga.

Habang si Dela Torre ay dadalo sana sa kanyang court hearing dahil nahaharap ito sa kasong illegal possession of dangerous drug. Sa kabilang dako inamin rin ni Police Chief Insp. Peter Pinalgan hepe ng Lagao Police Station , iniimbestigahan nila ang koneksyon ni Dela Torre kay Caylan. Taliwas nito sa pahayag naman ng City Police Director noong September 1 ,iligal na droga din ang sinusundang motibo sa pamamaril-patay naman kay Hamsa Saway ng Barangay Labangal.

Related Posts

Leave a Comment