34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Ilang US officials biyaheng China upang tapusin ang trade war

- Advertisement -

Tutulak pa-China ang ilang opisyal ng Estados Unidos para ipagpatuloy ang face to face talks na naglalayong tapusin ang trade war ng dalawang bansa.

Pangungunahan nina US Trade Representative Robert Lightizer at Treasury Secretary Steven Mnuchin ang pagtungo sa Beijing sa susunod na linggo para makipagpulong kay Chinese Vice Premier Liu He.

Magtutungo rin sa Washington si Liu ilang linggo matapos ang pag-uusap para maabot ang target na tapusin ang trade war sa susunod na buwan.

Magugunitang noong nakalipas na buwan ay nagpatupad ng mataas na taripa ang dalawang bansa sa isa’t isa.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -