31.7 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Ilang supermarkets nagsimula nang magtaas ng presyo ng tinapay

- Advertisement -

Nagsimula nang magtaas ang presyo ng tinapay sa ilang supermarket.

Limampung sentimos (P0.50) hanggang uno singkwenta (P1.50) ang itinaas ng kada pakete ng tasty at pandesal.

Una rito sinabi Philippine Association of Flour Millers Executive Director Ric Pinca, mahigpit ang supplay ngayon ng wheat o trigo sa world market.

Dahil dito ay nagmahal aniya ang harina na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

Samantala, dagdag piso (P1.00) naman sa kada pakete ng Pinoy tasty at limampung sentimos (P0.50) sa kada pakete ng Pinoy pandesal ang hiling ng mga panadero sa katapusan ng Oktubre.

Ayon sa mga panadero bukod sa harina, tumataas din ang presyo ng LPG, asukal at iba pang sangkap sa paggawa ng tinapay.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -