Ilang miyembro ng LP sa majority bloc pinag aaralang lumipat sa grupo ni Pangulong Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment
Ilang miyembro ng LP sa majority bloc pinag aaralang lumipat sa grupo ni Pangulong Duterte

Pinag aaralang mag ober da bakod ng ilang miyembro ng Liberal Party sa majority bloc ng Kamara na karamihan ay kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon ito kay Caloocan Congressman Edgar Erice, miyembro ng LP at Quezon City Congressman Jose Christopher Kit Belmonte matapos dumalo sa isang multi party caucus na pinangunahan ni Leyte Congressman Elect Martin Romualdez.

Gayunman, nilinaw ni Erice na kahit pinag iisipan nilang maging bahagi ng majority, nais nilang bumoto bilang isang bloc dahil mayroon silang mga advocacy na tinitingnan nilang posibleng matanggap ng kabilang panig.

Sa pagsisimula ng 17th Congress nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto, ilang LP Congressmen ay nasa minority o kaya naman ay independent.

Related Posts