31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Ilang lugar sa Metro Manila makakaranas ng water interruption

- Advertisement -

Makakaranas ng water interruption sa tatlumpu’t tatlong barangay sa mga lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Quezon City at San Juan.

Batay sa abiso ng Manila Water, tuloy na ang kanilang isasagawang pipelaying at interconnection activities sa southbound lane ng EDSA at Shaw Boulevard.

Dahil dito pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig mula ala siyete ng gabi mamaya hanggang alas nueve ng umaga, bukas araw ng biyernes.

Kabilang sa mga apektadong barangay sa Mandaluyong ay ang Wack-Wack, Mauway, Addition Hills, Highway Hills, Malamig, Buwayang Bato, Barangka Ilaya, Barangka Itaas, Barangka Ibaba, Barangka Drive, Plainview, Pleasant Hills at Hulo.

Sa San Juan naman, apektado rin ang mga barangay ng Greenhills, Addition Hills, Little Baguio, Pasadena, Corazaon De Jesus at West Crame.

Habang sa Pasig naman ay Ang Barangay Ugong, Oranbo, Pineda, Bagong Ilog, Kapitolyo at San Antonio.

Sa Quezon city naman ay ang Barangay Kaunlaran, Bagong Lipunan, Horseshoe, Valencia, Immaculate Concepcion, San Martin De Porres, Ugong Norte, Pinagkaisahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -