Ilang kandidato sa pagka-senador nag-concede na

Ilang kandidato sa pagka-senador nag-concede na

by Powered by DWIZ
0 comment 49 views

Isa-isa nang tinanggap ng ilang senatorial candidates ang kanilang pagkatalo sa senatorial race, ng 2019 midterm elections.

Una na rito si Samira Gutoc ng Otso Diretso na, nakakuha lamang ng mahigit apat na milyong boto.

Ayon kay Gutoc, taos puso siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta at bumoto sa kaniya.

Aniya, bagaman hindi siya pinalad na maging senador ay patuloy pa rin siyang lalaban para sa bayan.

Kasabay nito, nag-concede na rin si Atty. Florin Hilbay at Magdalo Rep. Gary Alejano.

Bago ito, sinabi naman ni Atty. Romulo Macalintal na inirerespeto niya ang naging desisyon ng mga botante.

Samantala, nagpahayag na rin ng pagsuko ang dalawang senatorial candidates ng labor win na sina Leody de Guzman, at Sonny Matula.

Sa ipinalabas na pahayag nina De Guzman at Matula, kanilang pinasalamatan ang lahat ng mga sumuporta at tumulong sa kanilang kampanya.


Colmenares: Tuloy ang laban!

“Tuloy ang laban!”

Iyan ang naging tugon ni Senatorial aspirant Neri Colmenares, matapos nitong mabigong makapasok sa magic 12 ng senatorial slate.

Ayon kay Colmenares, hindi niya basta basta isusuko ang laban, sa bulok na sistema ng eleksiyon, na nagluluklok na mga hindi karapatdapat sa pwesto.

Sa pinaka-huling partial and unofficial tally ng election results, nasa ika-dalawampu’t apat na pwesto si Colmenares matapos nitong makakuha ng 4,584,506 na boto.

—–
0 comment

Related Posts