34.3 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Ilang flights papuntang Manila napilitang lumapag sa Clark International Airport

- Advertisement -

Ilang flights papuntang Manila ang napilitang lumapag sa Clark International Airport matapos maglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng lightning alert sa Metro Manila, kagabi.

Inilabas ang babala para sa lahat ng eroplano na gagamit sana ng runways 13-31 at 06-24 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, ang pagkaka-divert ng ilang flights ay para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Nakaranas ng thunderstorm ang Metro Manila at mga karatig nitong lalawigan, na naging dahilan ng pag-baha sa ilang mga lugar at pagkaka-antala ng operasyon sa NAIA.

——-
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -