Ilang bahagi ng Commonwealth Ave sa QC isasara para sa SONA

0
43

Isasara ang ilang bahagi ng Commonwealth Avenue sa Lunes para sa State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, isasara nila sa daloy ng trapiko ang bahagi ng Commonwealth mula Tandang Sora hanggang Batasan simula alas-12:00 ng tanghali.

Pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang sumusunod na alternatibong daan.

Kung magmumula sa Fairview patungo ng Quezon Memorial Circle, maaaring kumanan sa Fairlane Street, kanan sa Dahlia Avenue, kaliwa sa Lilac Street o Chestnut, kanan sa Republic Avenue, Don Gregorio Road, Old Sauyo patungo ng Mindanao Avenue at vice versa.

Maaari ring mula sa Commonwealth Avenue ay kakanan sa North Avenue, kanan sa Mindanao Avenue, kanan sa Ol Sauyo Road o Quirino Highway at patungo na sa inyong destinasyon.

—-