32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Ilang bagitong senador dumalo sa orientation ng Senate Secretariat

- Advertisement -

Apat na bagitong senador ang dumalo sa briefing at orientation na inihanda sa kanila ng Senate Secretariat.

Kasama nina Senators elect Christopher ‘Bong’ Go, Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Imee Marcos at Francis Tolentino ang kani-kanilang staff sa pagdalo sa nasabing orientation.

Isang oras na mas maaga sa itinakdang pagsisimula ng briefing dumating si Tolentino at bago mag alas-10 naman dumating sina Dela Rosa at Marcos.

Sinabi ni Go na para siyang pumapasok sa eskuwelahan sa kaniyang pagpasok sa briefing room.

Ang mga nasabing bagong senador ay binigayn ng briefing sa legislation process, finance at security samantalang ipinakilala rin ng iba pang opisyal ng senado ang tungkulin ng kani-kanilang mga departamento.

with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -