Ilan pang mga nakatagong iligal na pasugalan timbog sa Maynila

Ilan pang mga nakatagong iligal na pasugalan timbog sa Maynila

by Powered by DWIZ
0 comment 40 views

Nadiskubre ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ilan pang mga nakatagong ilegal na pasugalan sa lungsod.

Sa ginawang operasyon ay nahuli ang may ari, operator at lahat ng sangkot dito.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, alinsunod ito sa derektiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisan ang mga illegal gaming sa bansa.

Dagdag pa ng alkalde, mayroong mga establisyimento na binigyan ng lisensya ng games and amusement board.

Sa unahang bahagi ng lugar ay tila legal ang mga laro ngunit sa likod ay makikita na ang mga ilegal na gawain katulad ng online sabong.

Binigyan ng lisensya yong karerahan, tapos itong karerahan ng kabayo ginagamit na front. Talagang machine, online. Nagkaroon ng online sabong. So, nangyare, pinahuli naming lahat. — ani Moreno  — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)

 

0 comment

Related Posts