35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Ikatlong sunod na linggong OPH naka-amba na naman

- Advertisement -

May panibagong pagsipa na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis sa pagpasok ng lingong ito

Ipinabatid mismo ng ilang industry players na papalo sa 1.10  sentimos hanggang 1.30 sentimos ang posibleng maging umento sa kada litro ng Gasolina

Habang nasa 70 hanggang 80 sentimos naman ang posibleng imahal sa presyo kada litro ng Diesel gayundin naman sa Kerosene o Cooking Gas

Bukas, inaasahang maglalabas na ng anunsyo ang mga Oil Companies na magpapatupad ng kanilang Price Hike sa araw ng Martes, Hulyo 16

Batay sa datos ng Department Of Energy, naglalaro na sa 46 hanggang 56 na piso ang presyuhan ng kada litro ng

Gasolina habang naglalaro naman sa 38 hanggang 43 piso ang presyo ng Diesel sa kada litro nito

Sakaling ipatupad na, ito ang magiging 3 sunod na linggong magpapatupad ng umento sa presyo ng kanilang mga produktong Petrolyo ang mga kumpaniya ng langis

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -