IBP pag aaralan pa kung bibigyan si alyas ‘Bikoy’ ng libreng legal assistance

IBP pag aaralan pa kung bibigyan si alyas ‘Bikoy’ ng libreng legal assistance

by Powered by DWIZ
67 views

Pinag aaralan pa ng Integrated Bar of the Philippines o IBP kung pagkakalooban ng libreng legal assistance si alyas ‘Bikoy’ na nasa “Narcolist video”.

Ito’y matapos lumutang sa IBP press conference ang nagpakikilalang si ‘Bikoy’ na si Peter Joemel Advincula.

Ayon kay Atty. June Ambrosio ng IBP-National Center for Legal aid, maituturing nang aplikante ng kanilang serbisyo si Advincula.

Gayunman, isinasailalim pa umano sa ebalwasyon ang lahat bago sila maglabas ng desisyon at impormasyon kaugnay sa aplikasyon ni Advincula.

Kasabay nito, tiniyak ni Ambrosio na dadaan sa tamang proseso at walang magiging ispesyal na pagtrato kay Advincula.

0 comment

Related Posts