Iriga City Mayor Madelaine Y. Alfelor, Nananawagan Ng Pgkaka-Isa Laban Sa Fake News
November 16, 2018
58th IB Mipasidungog Ni Gov. Bambi Emano Sa Pagsuporta Sa Military
November 16, 2018
Show all

DZKI Iriga
Ibigay Ang Para Sa Mga Empleyado, Sabi Ng Dole Region 5

Nag-palabas ng babala ang Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office 5 sa pamamagitan ni DOLE Region 5 Director Atty. Alvin Villamor sa mga employers na sumunod sa sinasabi ng kodigo ng pagtatrabaho para sa mga empleyado ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ipinahayag ni Atty. Villamor na kinakailangan bago dumating ang DEcember 24, 2018 ay natangap na ng mga kawani ang kanilang mga bonus o 13th Month Pay at ito ay kailangan in cash at hindi in kind.

Maliban sa pag-bigay ng paalala, sinabi pa ni Atty. Villamor na may karampatang parusa ang mga employers na lalabag sa itinalagang labor code.

Ipinahayag pa ni Regional Director Villamor na matamang babatanyan ng DOLE ang mga kompanyang dati ng may record ng non-compliance at kinakailangan nilang mag submit ng compliance bago dumating ang January 15, 2019. (Mark Rodriguez)

RPN
RPN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *