7 Students Graduated From Free Basic Korean Language Course at Bacolod Public Library
January 21, 2019
Summer jobs bukas na para sa mga estudyante—DOLE
January 21, 2019
Show all

DZKI Iriga
Ibayong Paghahanda Sa TD AMANG Isinagawa na mga LGU’S sa Camarines Sur.. SUSPENSION OF CLASSES ipinatupad na ngayong araw.

IRIGA CITY. Nagpapatupad na ng pre-emptive at forced evacuation ang City Government ng Iriga sa mga risedentes ng lungsod na nasa flood at landslides prones areas upang mapaghandaan ang papalapit na “TD Amang”.

Ito ang nagging desisyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa panguguna ni Mayor Madel Yorobe Alfelor upang tuloy-tuloy na maitagoyod ang zero casualty sa lungsod.

Magugunita na biernes pa ng ipalabas ng mayor ang kanyang kautusan sa cancellation of classes sa lahat ng level ngayong araw upang maseguro ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan.

Kahapon, nagpalabas na rin ng memorandum si Gov. Migz Villafuerte ng Camarines Sur sa cancellation ng klase sa lahat ng level sa 35 bayan ng buong lalawigan kasabay ng tuloy-tuloy na paghahanda sa paparating na sama ng panahon.

Samantala, minomonitor na rin ang level ng tubig sa lake buhi na siyang pinagmumulan ng maraming volume ng tubig mula sa lalawigan ng albay papunta rito sa Camarines Sur.

Ayon kay Mayor Margie Aguinillo, sa ngayon ay wala pang dapat ipag-alala ang mga mamamayan dahil hinde umaabot sa critical level ang tubig, subalit kung kinakailangan magpapalabas sila ng abiso sa karatig bayan sap ag-release ng tubig sa lake Buhi.

M. Barayoga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *