Iba pang mga ospital at klinika na sangkot sa ghost dialysis scam iimbestigahan ng NBI

Iba pang mga ospital at klinika na sangkot sa ghost dialysis scam iimbestigahan ng NBI

by Powered by DWIZ
0 comment 83 views

Mas marami pang ospital at klinika ang target na imbestigahan ng NBI o National Bureau of Investigation kaugnay ng mga bogus claim sa Philhealth.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi lamang Welllmed ang nasa kanilang radar kundi maging ang iba pang ospital at klinika na may kahina-hinalang claims.

Aniya, may iba pang mga dialysis centers ang sangkot sa scam na umaabot sa 154 million pesos na halaga ng bogus claims.

Umaasa naman ang NBI na matutulungan sila ng itatalagang bagong pamunuan ng Philhealth para matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng ghost dialysis scam.

Samantala, sinabi naman ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na hindi pa tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ng mga opisyal nito.

Aniya, mananatili pa sa posisyon ang ilang opisyal nito habang hindi pa nakapagtatalaga ang pangulo ng kanilang kapalit upang maiwasan ang vacuum sa operasyon ng Philhealth.

0 comment

Related Posts