Minor naaresto gumikan sa paglugos sa 28-anyos nga babaye sa Gusa
October 9, 2018
Datus ng mga lumabag sa batas sa buong rehiyon, inilabas ng PRO12
October 9, 2018
Show all

Hustisya para sa pagkamatay ni Judge Pintac ng Ozamiz RTC ipinanawagan

Kinondena ng samahan ng mga hukom ang pagpatay kay Judge Edmundo Pintac ng Ozamiz RTC Branch 15.

Ayon kay Judge Arthur Abudiente, Deputy President ng Philippine Justice Association o PJA, maituturing na pag-atake sa hudikatura ang pagpatay kay Pintac.

Hinamon ng PJA ang awtoridad na lutasin at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Pintac.

Matatandaan na nasawi si Pintac at ang driver nito matapos tambangan ng apat na lalake habang pauwi ng kanyang bahay.

Si Pintac ang may hawak sa kasong illegal drugs laban kina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kapatid nitong si Reynaldo Jr. na kapwa nakakulong ngayon.

—-

 

 

 

Comments are closed.