Hurricane Dorian nanalasa sa North, South Carolina

Hurricane Dorian nanalasa sa North, South Carolina

by Powered by DWIZ
0 comment 33 views

Nakararanas ng malakas na pag-ulan ang North at South Carolina dahil sa pananalasa ng category 2 Hurricane Dorian.

Maraming residente ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa nararanasang pag-ulan na nagdulot din ng high tide sa Charleston, South Carolina.

Ang nasabing Hurricane Dorian ay nag-iwan ng 20 patay nang manalasa ito sa Abaco Island at Grand Bahama noong ito ay nasa category 5 hurricane.

0 comment

Related Posts