Human rights group may hiling sa mga pamilya ng war on drugs victims

by Powered by DWIZ
0 comment
Human rights group may hiling sa mga pamilya ng war on drugs victims

Umapela ang isang human rights group sa mga pamilya na nabiktima ng kampanya kontra iligal na droga na mag-report o i-bahagi ang kanilang istorya sa United Nations.

Kaugnay ito ng resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na magsagawa ng imbestigasyon sa sitwasyon ng umano’y serye  ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa sa ilalim ng war on drugs ng Administrasyong Duterte.

Dahil dito, hinikayat ni Emily Soriano mula sa ‘Rise Up for Life and Rights’ ang mga pamilya na makiisa sa kanilang adbokasiya.

Anya, batid niya ang takot at galit na nararamdaman ng mga nabiktima ng kontrobersiyal na kampanya kontra iligal na droga, kaya’t dapat lamang itong mahinto.

Maliban dito, umapela rin naman si Soriano sa simabahang katolika at mga Pilipino na suportahan ang mga pamilyang apektado ng war on drugs.

Related Posts