- Advertisement -
Hawak na ng Houston Rockets ang 2-1 lead sa western conference semi-finals kontra Defending NBA Champions Golden State Warriors.
Nalusutan ng Houston ang Warriors sa game 3 ng best of seven series sa score na 126-121 via overtime sa homecourt ng rockets sa Toyota Center Arena sa Houston, Texas.
Nagpakawala ng 41 points at 9 rebounds ang 2018 MVP ng NBA na si James Harden upang i-angat ang Houston habang pinangunahan ni Kevin Durant ang golden state sa pamamagitan ng 46 points at 3 rebounds.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa balwarte pa rin ng Rockets para sa game 4, bukas.
- Advertisement -