House of Representatives walang natatanggap na banta sa SONA 2019

by Powered by DWIZ
0 comment
House of Representatives walang natatanggap na banta sa SONA 2019

Walang natatanggap na anumang banta sa seguridad ang House of Representatives kaugnay sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Ayon kay House Sergeant at Arms Major Gen. Romeo Prestoza, wala mang banta silang namomonitor ay nakahanda pa rin aniya silang tugunan ito.

Sinabi ni Prestoza na sinisimulan na nila ang paglalatag ng seguridad para sa SONA gaya ng pagsasailalim sa pagsasanay at mga seminar ng mga tauhan ng House of Representatives kabilang ang simulation at tabletop exercises.

Samantala ang ipinauubaya naman sa Presidential Security Group ang paglalagay ng signal jammers para sa cellphone subscribers.

Related Posts