Hotshots pinadapa ang Aces sa score na 103-86

by Powered by DWIZ
0 comment
Hotshots pinadapa ang Aces sa score na 103-86

Walang awang pinadapa ng Magnolia ang Alaska sa score na 103-86 sa kanilang bakbakan sa PBA Philippine Cup na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Dahil dito, naitala ng Hotshots ang kanilang ikalawang panalo at lumalakas din ang kanilang pag-asang makakuha ng puwesto sa playoffs.

Kumamada si Ian Sangalang ng 24 points, kasama ang 14 rebounds at tatlong assists habang nagdagdag si Paul Lee ng 20 points at 19 points naman ang nasungkit ni Mark Barroca.

Sa isa pang laro, inilampaso naman ng TNT Katropa ang Blackwater Elite sa score na 127-89.

Related Posts