Horror thriller movie na ‘Eerie’ tumabo na sa takilya

by Powered by DWIZ
0 comment
Horror thriller movie na ‘Eerie’ tumabo na sa takilya

Tumabo na sa takilya ang horror-thriller movie na “Eerie”.

Kumita na ito ng P40 million sa loob lamang ng apat na araw.

Sa isang Instagram post ay nagpasalamat ang management nito sa inabot na kita ng pelikula na nagsimula lamang ipalabas noong 27 ng Marso.

Bida sa naturang pelikula sina Charo Santos-Concio at Bea Alonzo sa direksiyon naman ni Mikhail Red.

Tampok din sa pelikula sina Jake Cuenca at Maxene Magalona.

Samantala, inilabas naman noong nakaraang Disyembre ang world premiere nito sa Singapore International Film Festival.

Related Posts