Hornets wagi kontra Pistons

by Powered by DWIZ
0 comment
Hornets wagi kontra Pistons

Nananatiling buhay ang pag-asa ng Charlotte Hornets na makapasok sa playoffs ng NBA.

Ito’y makaraang talunin nila ang koponan ng Detroit Pistons sa iskor na 104 – 91.

Nanguna sa pagkapanalo ng Hornets si Kemba Walker na kumamada ng tatlumpu’t isang (31) puntos at walong (8) rebounds.

Nag-ambag din sa Hornets si Frank Kaminsky na nakapagtala ng dalawampu’t apat (24) na puntos at limang (5) rebounds.

Nanguna naman sa koponan ng Pistons si Ish Smith na nakapagtala ng dalawampung (20) puntos at si Andre Drummond na nagpakitang gilas naman sa kanyang dalawampu’t talong (23) nasikwat na rebounds.

Samantala, ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Charlotte Hornets.

—-

 

 

 

 

Related Posts