Hornets pinadapa ng Warriors

by Powered by DWIZ
0 comment
Hornets pinadapa ng Warriors

Umarangkada ang Golden State Warriors sa kanilang laban kontra Charlotte Hornets.

Tinambakan ng warriors ng mahigit 40 puntos ang hornets sa iskor na 137 – 90.

Nanguna si Stephen Curry sa kanilang pagkapanalo na kumamada ng 25 puntos at anim na rebounds.

Katuwang ni Curry sina Klay Thompson na may 24 na puntos at Quinn Cook sa kanyang 21 puntos.

Hindi naman umubra ang naitalang 22 puntos ni Guillermo Hernangomez para sa Hornets.

Samantala, sunod na makakasagupa ng nag-waging Warriors ang Denver Nuggets sa Miyerkules.

Related Posts