Hirit na petisyon ng may-ari ng WellMed ibinasura ng korte

Hirit na petisyon ng may-ari ng WellMed ibinasura ng korte

by Powered by DWIZ
0 comment 71 views

Ibinasura ng korte ang petisyon na inihain ng asawa ng isa sa may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Bryan Christopher Sy para sa writ of habeas corpus.

Ang petisyon ni Sy ay kumukuwestiyon sa validity ng pag-aresto sa kanya ng NBI noong Lunes, Hunyo 10.

Ayon sa inilabas na court order, ang lack of probable cause for warrantless arrest ay hindi isang batayan upang magbigay ng writ of habeas corpus.

Ito ang naging basehan ni DOJ senior assistant state prosecutor Anna Noreen Devanedera, kung saan sinabi nitong ‘valid’ ang pag-aresto kina Sy at ang dalawang whistleblower na sina Edward Roberto at Liezel De Leon.

Samantala, nanawagan naman ang abogado ng whistleblowers na si Atty. Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang proseso ng paglalagay sa mga ito sa witness protection program.

0 comment

Related Posts