Hinihinalang 2 holdaper at 2 drug pusher patay sa magkahiwalay na operasyon sa QC

0
47

Patay ang dalawang hinihinalang holdaper at dalawang drug pusher sa magkahiwalay na operasyon ng Quezon City Police District.

Batay sa ulat ng QCPD, unang napatay ang dalawang holdaper na aktong nambibiktima sa bahagi ng NIA Road sa Barangay Pinyahan.

Narekober sa mga ito ang mga gamit at motorsiklo ng biktima gayundin ang tatlong baril habang napatay ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy bust operation ng QCPD Station 4 sa Barangay Gulod sa Novaliches.

Nakuha sa mga napatay na suspek ang 12 sachet ng hinihinilang shabu, dalawang baril at 5,000 pisong buy bust money.