Hindi pa tapos ang laban – VP Robredo

by Powered by DWIZ
0 comment
Hindi pa tapos ang laban – VP Robredo

“Hindi pa tapos ang laban.”

Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo sa gitna ng lumalabas na partial at unofficial result ng senatorial election kung saan dominado ito ng mga kandidato ng administrasyon.

Ayon kay Robredo, ipinamalas ng mga kandidato ng oposisyon at kanilang mga volunteers ang tapang at dedikasyon sa kanilang adhikain.

Aniya, sulit pa rin ang pagod ng lahat sa kampanya at botohan dahil sa matibay na paninidigan sa kanilang mga prinsipyo at paniniwala.

Hinimok din ni Robredo ang lahat na manatiling mapagmatiyag at bantayan ang nagpapatuloy na bilangan.

Kasabay nito, nanawagan din ang pangalawang pangulo sa lahat ng pagkakaisa at patuloy na paglaban hanggang sa huli.

Related Posts