Hindi maaapektuhan ang suplay ng karne sa Ilocos Sur kaugnay ng temporary ban sa baboy

Hindi maaapektuhan ang suplay ng karne sa Ilocos Sur kaugnay ng temporary ban sa baboy

by Powered by DWIZ
0 comment 38 views

Hindi maaapektuhan ng temporary ban sa pagpasok ng baboy at frozen pork meat ang supply ng karne sa paggawa ng bagnet at longganisa partikular sa Vigan City sa Ilocos Sur.

Tiniyak ito ng Ilocos Sur hog raisers association sa gitna na rin ng mga balitang nakapasok na sa bansa ang African Swine Fever virus kung saan ilang alagang baboy sa Rodriguez, Rizal ang naapektuhan at namatay dahil dito.

Siniguro rin ng grupo na sapat ang supply ng karne mula sa local hog raisers sa lalawigan kaya’t walang dapat ipag alala ang publiko.

Sakali mang kulangin ang supply ng karne sa Ilocos Sur sinabi ng grupo na maaari namang mag angkat sa ibang lugar subalit dadaan muna ito sa masusing inspeksyon.

0 comment

Related Posts