34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Hindi bababa sa 731 pamilya sa Sulu inilikas dahil sa military operation

- Advertisement -

Inilikas ang hindi bababa sa 731 pamilya o katumbas ng 2,331 indibidwal dahil sa pinaigting na military operation sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Sulu Social Welfare Officer Hindun Angsa, ang mga bakwit ay mula sa Upper Latih, Bungkaung, Maligay at Sitio Kantitap sa Barangay Buhanginan.

Pansamantalang inilipat ang mga residente ng apektadong lugar sa Lower Latih habang ang iba ay piniling mamalagi sa kanilang mga kamag-anak.

Naging maigting ang pagmomonitor ng gobyerno sa mga nasabing lugar dahil sa pinaniniwalaang presensya ng Abu Sayyaf group.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -