Hindi bababa sa 50 tauhan ng BOC sisibakin ni Pangulong Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment
Hindi bababa sa 50 tauhan ng BOC sisibakin ni Pangulong Duterte

Hindi bababa sa 50 tauhan ng BOC o Bureau of Customs ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nito na ang naturang hakbang ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian.

Paliwanag nito, may nagsumbong kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na talamak pa rin ang katiwalian sa ahensiya.

Anya, dahil dito ay agad na ipinag utos ni Guerrero ang isang imbestigasyon dahilan kaya’t naging pasya ng pangulo na sibakin ang mahigit sa 50 customs officials.

Kaugnay nito, inamin rin ni Panelo na ipinatawag mismo ni Pangulong Duterte ang ilang opisyal ng Customs sa Malacañang upang ipabatid sa mga ito na seryoso siyang labanang ang katiwalian.

“Basta marami siya (Pangulong Duterte) sisibakin, yung ang sabi niya and may imbestigasyon nang ginagawa and in fact, marami ng na file na charges.”— Pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Related Posts