Radio Philippines Network
DZKI Iriga News Provincial News

Higit P1-M Ng Mga Hardware Materials Sa Naga City, Sinira Ng DTI

NAGA CITY – Aabot sa P1.5-milyon ang halaga ng mga nakumpiskang hardware materials na sinira ng Department of Trade and Industry (DTI) sa lungsod ng Naga.Sa panayam kay Edna Tejada, provincial director ng DTI-Camarines Sur, sinabi nitong ang naturang mga materyales ang nakumpiska sa isinagawang inspeksyon ng ahensya sa dalawang hardware company.Ayon kay Tejada, binubuo ito ng nasa 990 rolls ng tiewires at nasa 4250 piraso ng steel bars.

Aniya, maliban sa mga sinirang materyales, may mga kumpanya ring pinagbayad ng mahigit sa P100,000 bilang penalidad.

Dagdag pa ng direktor, nadiskobre nilang walang proper markings ang naturang mga materyales at hindi nakapasa binigay na standards ng ahensya kung kaya nauwi sa pagkakakumpiska ng mga produkto at pagpataw ng penalidad.

-M. Barayoga

Related posts

Urban Planning Consultants, Mobisita Dinhi Sa GenSan

RPN

9ID Trains New Recruits CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur

DZKI IRIGA

Job fair and free legal aid service on 2nd day

RPN News

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More