Highest level of alert itinaas na sa Japan sa pag-landfall ng Typhoon Hagibis

Highest level of alert itinaas na sa Japan sa pag-landfall ng Typhoon Hagibis

by Powered by DWIZ
0 comment 22 views

Itinaas na ng Japanese Government ang highest level of alert dahil sa inaasahang pag-landfall ng Typhoon Hagibis sa silangang bahagi ng Japan ngayong araw na ito.

Ayon sa Japan Meteorogical Agency, ito na pinaka malakas na bagyo na tatama sa Japan mula noong taong 1958.

May lakas na 216 na kilometro kada oras ang Typhoon Hagibis na sinasabing may kakayahan na makapinsala ng mga kabahayan sa naturang bansa.

Inaasahan din na mag-paulan ang Typhoon Hagibis ng hanggang 1,000 millimeters sa ilang rehiyon sa Japan.

Dahil dito, kanselado na ang biyahe ng tren sa tokyo at nagoya, gayundin naman ang biyahe ng mga eroplano papunta at papasok ng Japan.

0 comment

Related Posts