Hatol ng Sandiganbayan kay Bong Revilla Jr ilalabas na ngayong araw

Hatol ng Sandiganbayan kay Bong Revilla Jr ilalabas na ngayong araw

by Powered by DWIZ
73 views

Ilalabas na ngayong araw ng Sandiganbayan ang hatol kay dating senador Bong Revilla Jr sa kinakaharap nitong kasong plunder o pandarambong kaugnay sa pork barrel fund scam.

Nakasalalay ang kapalaran ni Revilla sa pasya ng limang mahistrado ng Sandiganbayan Special First Division kung saan tatlong boto ang kailangan upang ma-abswelto o ma-convict sa ilalim ng court rules.

Binubuo ang orihinal na Sandiganbayan first division nina Associate Justices Efren De La Cruz, Geraldine Faith Econg at Edgardo Caldona na hindi naman nagkasundo sa kaso ng dating mambabatas.

Dahil dito ay napilitang lumikha ng isang special first division na may karagdagang dalawang miyembro na sina Associate Justices Marisa Teresa Gomez-Estoesta at Sara Jane Fernandez.

Gayunman, nag-inhibit si Fernandez dahil sa kapatid na si Dagupan City Mayor Belen Fernandez na isa sa mga supporter ng mga kandidato ng Lakas-NUCD party na partidong bitbit ni Revilla sa pagtakbo sa 2019 senatorial elections.

Pinalitan naman si Fernandez ni Associate Justice Georgina Dumpit-Hidalgo bilang ika-limang miyembro na magiging tie-breaker sa plunder case.

0 comment

Related Posts