Hatian sa committee chairmanship sa Senado hindi pa ganap na nare-resolba

Hatian sa committee chairmanship sa Senado hindi pa ganap na nare-resolba

by Powered by DWIZ
90 views

Nasa 2.5 porsyento na lamang ang natitirang gusot sa committee chairmanships sa Senado.

Ipinabatid ito ni Senate President Vicente Sotto III bagamat hindi nagbigay ng detalye kung ano pang mga komite ang may isyu na dapat plantsahin.

Sinabi ni Sotto na magkakaroon ng caucus ang mayorya sa pagbubukas ng 18th Congress sa Lunes bago sila tumulak pa Batasang Pambansa para sa SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, paghahatian naman nina Senador Sherwin Gatchalian at Joel Villanueva ang Committee on Education.

Si Gatchalian ang mamumuno sa Basic Education Committee samantalang si Villanueva ang hahawak sa Committee on Higher Education and Technical-Vocational.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

0 comment

Related Posts