Halos P16-M halaga ng misdeclared agricultural products mula China nasabat

Halos P16-M halaga ng misdeclared agricultural products mula China nasabat

by Powered by DWIZ
0 comment 94 views

Nasabat ng Manila International Container Port (MICP) ang halos P16-million na halaga ng misdeclared agricultural products mula sa China.

Ipinabatid ng Bureau of Customs na ang mga nasabing kontrabado ay nakumpiska sa apat na magkakahiwalay na shipments noong nakalipas na buwan matapos madiskubrea ang discrepancies sa bigat at deklaradong halaga ng mga shipment.

Batay sa x-ray at physical inspectons, dalawa sa mga shipments ang idineklarang red beans subalit naglalalaman ng mahigit 5,000 sako ng refined sugar na nagkakahalaga ng P9.6-million.

Isa pang shipment ang idineklara bilang mahigit 1,000 package ng t-shirts subalit nabatid na 200 sako pala ito ng bigas.

Ang iba pang kontrabando ay naglalaman ng 1,300 package ng iba’t ibang uri ng food products, 30 package ng gamot at 425 package ng iba pang nonperishable items na nagkakahalaga ng P4.1-million.

Ang mahigit 3,000 kahon na idineklarang mansanas ay naglalaman ng pulang sibuyas na nagkakahalaga ng halos P2-million.

0 comment

Related Posts