Halos 7-M pisong halaga ng shabu nasabat sa Maynila

Halos 7-M pisong halaga ng shabu nasabat sa Maynila

by Powered by DWIZ
0 comment 65 views

Halos pitong milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa isang buy bust operation sa Sta Ana, Maynila.

Timbog sa operasyon ang mga suspek na sina Mark Anthony Alcantara, Rudy “Kidlat” Rona Valenzuela na itinago ang droga sa lalagyan ng tsaa.

Sinabi ni NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar na halos isang buwan nilang minanmanan ang mga suspek na pawang miyembro ng isang criminal gang na konektado sa mga Chinese national at muslim na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa Metro Manila at Cavite.

Nakipag transaksyon ang poseur buyer na pulis sa gilid ng Osmeña Highway at positibong nakabili ng droga mula sa mga suspek .

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comment

Related Posts