Halos 3-M pisong halaga ng iligal na droga nasamsam sa Zamboanga City

Halos 3-M pisong halaga ng iligal na droga nasamsam sa Zamboanga City

by Powered by DWIZ
0 comment 108 views

Aabot sa tatlong milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Zamboanga City.

Ayon sa PDEA, hindi bababa sa kalahating kilo ng iligal na droga ang kanilang nakuha mula sa tatlong naarestong suspek sa Barangay Putik.

Habang tatlong drug suspect din ang kanilang natiklo sa Barangay Tugbungan na nakuhanan din ng halos isang kilo ng shabu.

Base sa impormasyon ng PDEA, karamihan sa iligal na drogang nasabat sa mga naarestong indibidwal ay pawang galing sa Malaysia na idinaan sa Sulu at Tawi-Tawi.

0 comment

Related Posts