Halos 200,000 pulis nakatanggap na ng mid-year bonus

by Powered by DWIZ
0 comment
Halos 200,000 pulis nakatanggap na ng mid-year bonus

Halos 200,000 pulis ang nakatanggap na ng kanilang mid year bonus.

Ayon ito kay PNP Chief General Oscar Albayalde na nagsabing nasa kabuuang mahigit anim na bilyong piso ang ipinalabas na pondo para sa nasabing mid year bonus.

Nilinaw naman ni Albayalde na hindi pa nabigyan ng mid-year bonus ang mga pulis na may nakabinbing administrative at criminal cases.

Ang nasabing bonus ay katumbas ng isang buwang suweldo ng pulis kung saan ang entry level patrolman o patrolwoman ay nasa 30,000 piso.

Related Posts