Halos 100 pulis binantayan sa pagboto si De Lima

by Powered by DWIZ
0 comment
Halos 100 pulis binantayan sa pagboto si De Lima

Halos 100 pulis ang nagbantay kay Senador Leila De Lima nang bumoto ito sa Saint Rita College sa Parañaque city.

Halos 15 minuto lamang nagtagal sa kanyang presinto si De Lima at nagbalik rin agad ito sa kanyang detention cell sa Camp Crame.

60 pulis mula sa Camp Crame ang nagsilbing escort ni De Lima at may 40 iba pa mula naman sa Parañaque PNP.

Nakalinya ang mga pulis sa hallway patungo sa presinto ni De Lima at bantay sarado ang dalawang pintuan samantalang ang iba pa ay nagkalat sa school grounds.

Pilit rin umanong tinatakpan ng mga police escorts ni De Lima ang mga cameras sa pamamagitan ng pagbukas ng malaking payong.

Related Posts