29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Gun for hire na target ang mga pulitiko at malalaking personalidad nalansag ng PNP

- Advertisement -

Nalambat ng mga awtoridad ang limang (5) miyembro ng isang gun for hire at kidnapping group sa magkakasunod na mga operasyon ng PNP Anti-kidnaPping Group, Highway Patrol Group at Isabela Provincial Police Office.

Kinilala mismo ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang suspects na sina Dennis Matias, Mary Ann Mallari, John Laña, Jackie Lou Isidro at Raymond Dequina na pawang mga miyembro ng kilabot na Peralta Group sa pamumuno ng tinutugis pa ring si Ricardo Peralta.

Nakumpiska mula sa mga ito ang dalawang assault rifle, isang shotgun, dalawang pistola at dalawampu’t dalawang ATM cards mula sa iba’t ibang bangko, granada at tatlong SUVs.

Ayon naman kay PNP-AKG Director Chief Supt. Glen Dumlao, ang mga ito aniya ay nahaharap sa walong kaso ng kidnapping at dalawampung kaso ng gun for hire kung saan, mga pulitiko at matataas na tao ang tinatarget ng mga ito.

Ilan sa mga biktimang pulitiko ng grupo ang magkapatid na sina Ebeng at Erick Pascual ng Gapan, Nueva Ecija noong 2006; Mayor Esteban Paulino ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan noong 2010 at Vice President for Admin ng PUP o Polytechnic University of the Philippines na si Atty. Augustus Cesar noong 2011.

Sinabi ni Dumlao na maraming kliyenteng pulitiko ang grupo sa Luzon kaya’t mahigpit ang atas ni Albayalde sa kanilang hanay na tugisin at pulbusin ang mga naturang grupo na posibleng makasira sa darating na halalan sa susunod na taon.


Gun for hire ginagamit ng mga pulitiko?

Ibinunyag ng Philippine National Police na gumagamit ng gun for hire group ang ilang mga pulitiko bilang private armed group.

Lima sa mga miyembro ng grupo ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City at Echague, Isabela.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, mayroon silang intelligence information na ilang gobernador at mga alkalde ang kumukuha sa serbisyo ng gun for hire group bilang proteksyon o kaya ay para takutin ang kanilang mga kalaban.

—-

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -