Guidelines para sa ‘First Time Jobseekers Assistance act’ inilabas na – DOLE

by Powered by DWIZ
0 comment
Guidelines para sa ‘First Time Jobseekers Assistance act’ inilabas na – DOLE

Inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang guidelines para sa “First Time Jobseekers Assistance Act.”

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, hindi lamang ang mga fresh college graduates ang makikinabang sa bagong batas, kundi maging ang mga nagtapos sa technical-vocational course at K-12 program at ang nagnanais maging working student.

Paliwanag ng kalihim, kinakailangan lamang kumuha ng mga first time jobseekers ng barangay certification, kung saan nakasaad na siya ay isang first time jobseeker at residente ng barangay sa nakalipas na anim na buwan.

Anya, may bisa ang sertipikasyon ng isang taon simula sa petsa ng ito ay inisyu.

Sa ilalim ng naturang batas, makukuha ng mga first time jobseekers ng libre ang dokumentong kinakailangan sa pagtatrabaho.

Kabilang na ang police clearance, NBI clearance, medical certificate mula sa isang government hospital, birth at marriage certificates, transcript of record at taxpayer identification number.

Dahil naman sa naturang batas, tinatayang aabot naman sa P3-B nag mawawalang kita sa gobyerno.

Related Posts