29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Guerrero itinalaga bilang mga acting deputy commissioners ng BOC ang kanyang 2 dating kaklase sa PMA

- Advertisement -

Itinalaga ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang kanyang dalawang dating kaklase sa Philippine Military Academy (PMA) bilang mga acting deputy commissioners ng BOC.

Sa flag raising ceremony kahapon, ipinakilala ni Guerrero ang kanyang mga mistah mula sa pma class 1984 na sina retired Lt. Gen. Donato San Juan at retired Brig. Gen. Raniel Ramiro sa harap ng mga empleyado ng BOC.

Itinalaga si San Juan bilang acting deputy commissioner for internal administration group kapalit ni Gldys Rosales

Habang pamumunuan na ni Ramiro ang intelligence group na binakante ng mistah naman ni dating Customs Chief Isidro Lapeña sa PMA class 1973 na si retired Police General Ricardo Quinto.

Samantala, muli namang iginiit ni Guerrero na walang nangyayaring military take over sa BOC at retiradong sundalo na aniya ang sina San Juan at Ramiro.


Guerrero nadismaya sa nakariting na balita sa kanya kaugnay sa pangingikil ng ilang BOC employees

Ikinadismaya ni bagong talagang Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang nakarating na balita sa kanya na may ilang empleyado umano ng ahensiya ang ginagamit ang pangalan niya para mangikil.

Sa ginanap na flag raising ceremony sa BOC kahapon, sinabi ni Guerrero na isang linggo pa lamang siyang umuupo bilang pinuno ng BOC pero may gumagamit na aniya ng kanyang pangalan para mangolekta ng tinatawag na tara.

Kung susumahin aniya ang kabuuang halaga ng mga pangingikil na ikinakabit sa kanyang pangalan, aabutin ito ng isandaang milyong piso.

Kasabay nito, muling iginiit ni Guerrero na ipinagbabawal sa BOC ang pagtanggap ng mga tara.

Muli ring iginiit ni Guerrero na ipinagbabawal sa BOC ang pagtanggap ng mga tara kasabay ng paghimok sa mga empleyado ng ahensiya na mamuhay ng tama at simple.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -