30 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Grupo ng mga motorcycle riders pabor sa panukalang hindi na sila pagbayarin ng road users tax

- Advertisement -

Pabor ang grupo ng mga motorcycle riders sa panukala ni Albay Second District Representative Joey Salceda na hindi na sila pagbayarin ng road users tax.

Ito ay ayon kay Motorcycle Philippines Association Director for Administration Atoy Sta Cruz.

Aniya, malaki raw ang kanilang binabayaran sa naturang buwis ngunit hindi naman nila nakikita kung saan ito napupunta.

“Ang laki ng binabayaran namin na road users tax pero pag pumupunta kami sa ilang area, katulad yung mga road signs kapos, tapos pagdating po sa mga remote areas na dapat ayos ang mga highway, hindi naman naaayos.”

Naniniwala rin si Sta Cruz sa pahayag ni Salceda na mas malaki ang pera ng mga may ari ng mga 4 wheeled vehicle kaysa sa mga may ari ng motorsiklo kaya sila raw ang dapat na magbayad.

“Ang talagang dapat bigyan itong mga kotse. Para bumili ka ng kotse syempre may kakayahan ka hindi katulad ng ibang kasamahan namin sa motorsiklo na talagang ordinaryong manggagawa lang masasabi natin na halos pareho kami ng binabayaran nitong mayayaman sa road users tax.” Pahayag ni Motorcycle Philippines Association Director for Administration Atoy Sta. Cruz.

(Ratsada Balita interview)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -