34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Graft case laban kay Elenita Binay ibinasura ng Sandiganbayan

- Advertisement -

Ibinasura ng Sandiganbayan ang graft case na inihain laban kay Former Makati City Mayor Elenita Binay hinggil sa umanong maanumalyang pagbili ng city government ng mga furniture sa panahon ng kanyang pamumuno sa lungsod.

Sa 31-page resolution ng Anti-Graft Court’s Fifth Division, sinabi nitong, pinaboran nila ang apela ni Binay na ipawalang bisa ang mga isinampa sa kanyang kaso matapos na bigong makapagsumite ng katibayan ang panig ng prosekusyon.

Isinumite ng dating alkalde ang kanyang demurrer petition noong March 21, 2019 na humihiling na idismiss na ang kanyang kaso dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya ng prosecution party.

Si Ginang Elinita na maybahay ni dating vice president Jejomar Binay ay inakusahan ng pagnanakaw sa kabang yaman dahil sa procurement ng office partitions at furniture na nagkakahalaga ng 72.06 million pesos noong siya pa ang nakaupong alkalde ng Makati City noong 1999.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -