Gordon ipinaaaresto ang ex-PDEA official at 3 iba pa

by Powered by DWIZ
0 comment
Gordon ipinaaaresto ang ex-PDEA official at 3 iba pa

Ipinaaaresto ng Senate blue ribbon committee ang dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at tatlong iba pa, dahil sa hindi pagsipot ng mga ito sa pagdinig ng Senado kaugnay ng bilyun-bilyong halaga ng shabu na nakapuslit sa bansa.

Ito ay matapos ipa-contempt ni blue ribbon committee chairman senator Richard Gordon sina Marina Signapan, Emylin Luquingan, Eduardo Acierto At Ismael Fajardo Jr., dahil sa ilang ulit na pag-isnab ng mga ito sa nasabing pagdinig.

Matatandaang, si Signapan ang umano’y consignee na nakapirma sa bill of lading na inisyu ng kumpanyang tumanggap sa kargamento, habang si fajardo naman ang dating PDEA deputy director for administration na itinuro ng state witness na si Jimmy Guban  na sangkot din umano sa transaksyon.

Sa oras na mapirmahan ni Senate President Vicente Sotto III ang contempt order ni Gordon, ay agad na sisimulan ang pag-aresto sa apat.

Habang, inaasahan naman ni Gordon na makahaharap na niya sa susunod na pagdinig ang mga ipina-paarestong testigo.

Related Posts