Golden State Warriors bigo sa kamay ng Minnesota Timberwolves sa NBA

by Powered by DWIZ
0 comment
Golden State Warriors bigo sa kamay ng Minnesota Timberwolves sa NBA

Nagpakawala ng isang tie-breaking free throw sa nalalabing kalahating segundo ng overtime ng kanilang laban si Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves na naging daan para masungkit nila ang pagkapanalo kontra Golden State Warriors.

Natapos ang makapigil-hiningang labanan ng dalawang koponan sa iskor na 131 – 130.

Kumamada rin si Andrew Wiggins ng 24 puntos para sa Timberwolves.

Nasayang naman ang 37 puntos na naitala ni Stephen Curry para sa Warriors na bigong maipanalo ang laban.

Samantala, sunod na makakaharap ng Timberwolves ang Philadelphia Seventy-Sixers bukas habang makakalaban naman ng Warriors ang Charlotte Hornets sa Lunes.

Related Posts