Gilas Pilipinas kaagad sasabak sa ensayo pagdating mula sa Spain

by Powered by DWIZ
0 comment
Gilas Pilipinas kaagad sasabak sa ensayo pagdating mula sa Spain

Kaagad na sasabak ang Gilas Pilipinas sa ensayo at susulitin ang dalawang linggo bago ang pagsisimula ng Fiba World Cup na hahanapin sa China sa katapusan ng buwang ito.

Ayon kay Gilas Coach Yeng Guiao, wala silang sasayanging panahon lalo na’t mahigit dalawang linggo na lamang ang natitira bago ang world cup.

Mayroong mga aral silang natutunan sa mga laro nila sa Spain at kanila itong i a apply para sa bubuuing bagong strategy.

Isasapinal na rin ni Guiao sa natitirang mga araw ang 12 manlalarong opisyal na magiging bahagi ng Gilas Pilipinas Team.

Pauwi na ang Gilas Team matapos ang matagumpay na walong araw na training camp sa Spain.

Related Posts