Gilas Pilipinas balik pagsasanay ngayong Lunes para sa Fiba World Cup

Gilas Pilipinas balik pagsasanay ngayong Lunes para sa Fiba World Cup

by Powered by DWIZ
0 comment 50 views

Balik pagsasanay ang Gilas Pilipinas ngayong Lunes matapos ng isang araw na pahinga kahapon.

Ayon kay Gilas Coach Yeng Guiao, kaniyang inaasahang makukumpleto ang grupo ngayong araw sa pagdating na nina June Mar Fajardo, RR Pogoy at Troy Rosario.

Samantala, kontento naman si Guiao sa ipinakikitang dedikasyon ng mga manlalaro ng Gilas gayundin sa takbo ng kanilang ensayo.

Gayunman, hindi pa rin aniya sila magpapa-kumpiyansa at tuloy-tuloy pa rin ng paghasa ng husto sa mga Gilas players.

Dalawang linggo mula ngayon inaasahang bibiyahe na ang Gilas Pilipinas patungong China para sa nakatakdang laban sa Fiba World Cup mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

0 comment

Related Posts