32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

GENERAL SANTOS CITY, NANANATILING POLIO FREE

- Advertisement -

Sa kabila ng dalawang kompirmadong kaso ng polio sa bansa, iginiit ng Dr Mely Lastimoso ng City Health Office ng Gensan na walang kasong naitala sa syudad.

Sa pagdalo ni Lastimoso sa sesyon ng Sangguniang Panlungsod, ipinagmalaki ng opisyal ang sigasig ng mga health workers ng syudad para mapanatili ang kalusugan ng mamamayan na may malaking kontribusyon sa pagkamit ng zero record ng polio sa syudad sa kasalukuyan.

Ipinaliwanag ni Lastimoso sa konseho na mayroong dalawang uri ng vaccine ang ibinibigay sa mga sanggol. Una ay ang oral na ipinapatak sa ikalawa, ikaapat, at ikaanim na buwan ng bata. Ikalawa ang ibinibigay sa pamamagitan ng injection.

Dagdag ni Lastimoso, kasama sa mandato sa surveylance na isinasagawa ng City Health Office na bantayan ang mga nasa edad 15 pababa at ang pagbabantay sa nasa 200 na mga posibleng nahawa ng polio sa bawat isang kompirmadong kaso.

Sa isinagawang survey taong ng taong 2015, umabot sa humigit-kumulang 13,000 ang mga kabahayang walang palikuran mula sa lahat ng mga barangay ng GenSan. Dahilan para maalarma ang CHO dahil ang polio virus ay nakukuha sa dumi ng tao.

Sinigurado ni Dr. Lastimoso na ipagpapatuloy ng CHO at DENR ang pagsubaybay sa mga water sources sa syudad sa kabila ng negatibong resulta ng mga pagsusuring isinumite ng CHO sa Metro Manila.

Nanawagan si Dr. Lastimoso sa publiko na panatilihin ang kalinisan ng mga pampubliko at pribadong mga palikuran para maiwasan ang polio virus. Maaari din diumanong idunog sa tanggapan ng CHO ang posibleng kaso ng polio sa kanilang lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -