NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISION (NTC) BUOT IPA-REHISTRO ANG MGA SIMCARD NGA GIGAMIT
November 8, 2018
MURDER CASE LABAN SA ISANG PARI SA LUNGSOD NG IRIGA.. IBINASURA
November 8, 2018
Show all

GDP naitala sa 6.1%; pagbaba ng food consumption sa bansa ikinababahala

Bahagyang bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa ikatlong bahagi ng taon.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 6.1 percent ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa para sa July, August at September, bahagyang mababa sa 6.2 percent noong Abril, Mayo at Hunyo.

Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, nahila ng huminang sektor ng agrikultura ang GDP para sa ikatlong bahagi ng taon.

Sinabi ni Pernia na nakakabahala rin na isa sa dahilan ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ay ang pagtitipid ng mamamayan sa pagbili ng pagkain at iba pang gamit sa bahay.

Gayunman, sinabi ni Pernia na isang malaking konsuwelo pa rin na kahit bumagal ang paglago ng ekonomiya, nananatili ang Pilipinas bilang pinakamabilis na lumagong ekonomiya sa Asya kasunod ng Vietnam na may 7 percent at China na may 6.5 percent.

—-

 

 

 

 

Comments are closed.